Mga Tanong sa Buhay-buhay

Bakit ang ibang tao na kung sino pang nasa malayo ay syang nakapagbibigay panahon sa kanyang mga minamahal? Samantala ang ibang nar`yan lang ay ang s`yang walang oras na makipagkita, yan ang tanong sa akin ng isa kong nakilala na nakatira pa sa malabon at araw-araw na pinahihirapan ang sarili sa pagdadalaw sa mga mahal nya sa buhay kahit saan man sila mapunta.

Dapat nga bang ikumpara ang buhay ng isa sa buhay ng iba? Nakapag-iisip; Nakapag-tataka; Kung ang buhay ay simple, ganito rin ba ang ikalalabasan? Maraming tao ang mahilig maki-usyoso at makisingit sa usap-usapan at sa buhay-buhay ng iba. Nararapat nga ba ito? Pero kung ang kaibigan mo na nga ang humingi ng payo sayo na sana nga ganito ang buhay nya subalit hindi. Ano pa ang silbi, tanong nila?

Kung ayaw sayo ng ibang tao, bakit pagpipilitan pa ang sarili? Na ikaw na itong nagkakandarapa sa paghahanap, pagnanais, at walang humpay na paghihintay. Nilalait ka na at tinatawag na martir. Ano ba talaga ang tama? Sundin ang nasa puso o ang nasa isipan? Hindi ko din masabi ng husto kung ano at papaano ang gagawin dahilan sa parang pareho lang kami ng sitwasyon.

Sa akin ay sinundan ko ang puso at isipan ko.

Ito na lang pare ko...nasa-sa`yo na ang desisyon na kung san ka pupunta pero itong masasabi ko, ibigay mo walongpung porsyento ng puso mo sa kahit anong bagay para kung hindi man ito tumagal. Hindi ka magsi-sisi at sasabihin mo sa sarili mo na hindi ka nag-kulang. Masakit man isipin kung ang resulta ay kalungkutan, hindi pa rin ito maiiwasan. Mahal mo nga ba sya? at mahal ka ba rin nya? Pero pano natin malalaman kung mahal ka nga kung parang binabale wala ka? Ni pagkakamusta walang sinasabi. Nakakatuwa nga naman talaga ang buhay, ano? Tara pare, inuman na lang.

Comments

Popular Posts